Sun Cellular na Bulok

REKLAMO ko:

Para sa mga may balak mag subscribe sa sun cellular, KALIMUTAN nyo na, siguradong MAGSISISI lang kayo. Dati akong sun cellular prepaid subscriber 2 years ago pero di rin nagtagal dahil sa walang signal at dahil sa cheap prepaid card nila na pati ung PIN ay na scratch.

Ngayon, dahil sa promo ng HSBC na free Samsung M620, nag try ako mag avail ng postpaid ng sun cellular na P350 lang. Akala ko sobrang okay na ang network nila ngaun, hanggang ngaun hirap na hirap pa rin ako maghanap ng signal, sa las pinas man o sa kalookan, may mga spots pa rin na di abot ng network nila kahit nasa Metro Manila ka na. At nakakalungkot pa, since postpaid ang na avail ko, may 2 years lockdown period ako, else magbabayad ako ng P10,000 as termination fee pag di ko tinapos ( kamusta naman!?, feeling ko nasetup ako don a). Ewan ko ba kung bakit pa pumayag si Aga Mulach na i-endorse ang network na to, malamang may shares cya sa company na to ( im sure di Sun Cellular network na gamit nya )

Pucha P350 na nga lang ang plan ko, ang hirap pa tumawag sa customer service nila. La kang choice kundi tumawag dahil may bayad na P2.00 ang balance inquiry sa text nila kapag postpaid ( masahol ), kaya ang choice mo ay kausapin ang mga engot at mga bading na customer service nila na hirap na hirap sagutin kung magkano na ang voice calls mo at kung magkano ang text charges mo, ang alam lang nila ay kung magkano ang total unbilled charge mo, at imposible daw malaman ung kung magkano don ung call charge mo at text charge mo since di pa nagegenerate ang bill, ( pakyu silang lahat! ).

Pag nagtanong ka naman sa supervisor, nasasagot nila pero 30 minutes bago mo malaman dahil manually daw nila ginagawa at wala daw access ang mga agent sa running bill ng customers. Di ko rin masisisi ang mga empleyado ng Digitel, kung bulok sistema ng kumpanya nila, malamang masakit na rin ulo ng mga Customer Service Representative sa kakausap sa mga nagrereklamong subscribers nila, magresign na lang sana sila at mag-apply sa ibang network gaya ng Smart at Globe.



Gusto ko sana malaman kung may paraan ba kung pano isoli ung lecheng free phone nila at macancel ung account ko sa kanila ng hindi magbabayad ng termination fee, lagi ko to naiisip pag napipikon ako sa kakatawag sa customer service nila. Narealize ko na mas ok pa na kumuha na lang ako ng postpaid sa Globe o kaya sa Smart, engot ko rin. Napakabulok talaga ng Sun Cellular, uulitin ko, sasakit lang ulo nyo dito sa network na to, sobrang matagal pa bago sila makahabol sa technology ng Globe at Smart. Kung magkaroon man sila ng technology gaya ng Globe at Smart ngaun, malamang mas advanced na Globe at Smart.

Thank you! Sana magcomment ung mga reklamo sa Sun Cellular .

More Links:

What is L-Carnitine ?
Essential Oils May Spur Breasts in Boys
Major Reason Behind Oil Price Hike
Gusto Mo Mag IT?

0 comments: